Cristine Reyes dapat nang mag-asawa

SA TUWING natatanong si Cristine Reyes kung mag-aasawa na siya para siyang nandidiri sa topic gayung kung makapulupot kay Rayver, daig pa nitong asawa na niya ito.

Hahaha!

Kesyo, bata pa raw siya, kesyo gusto raw niya ‘pag trenta (30) na siya, saka mag-aasawa, pero gaya nga nang nasabi na namin, parang lalaki naman ang priority niya.

Take note, kahit na pilit na pilit na inihihilera si Cristine bilang malaking artista, sa totoo lang, pang-starlet lang naman ang resulta ng mga projects niya. Kumbaga, naturingang malaking artista e semplang naman lahat ng ginagawa niya.

Yung “Tumbok” niya is the floppest movie this year, halos zero sa box-office. Yung “Reputasyon” niya ngayon is not doing very well, kaya nga may marathon campaign sila to boost its ratings. Look, kahit Sunday ipinalabas na ito to attract viewers, binago ang oras nito for reasons na may kinalaman sa weak viewership. This means na talagang walang star power si Cristine at konti na lang talaga, lalaylay na ang star stature niya.

Kung kami nga ang tatanungin ngayon, dapat nang mag-asawa si Cristine, tutal naman, di niya maharap nang husto ang kanyang career.

Look, obviously, pati career ng love niyang si Rayver, apektado na, napansin n’yo ba, hindi na nagsa-shine ang noon ay very promising career ni Rayver. From a big star, tila nalaos na siya ngayon.

Kung sakali kayang si Sarah Geronimo ang naging girlfriend niya, sikat pa rin kaya si Rayver hanggang ngayon?

Remember, yung una niyang movie outing na siya niyang buwena mano, semplang to the max, remember yung movie niya na pati kami ay nakalimutan na title, ano na ang ang title nun, Manny Vallester?

Di ba, half day, last day ‘yun.

Hahaha!

****

Willie Revillame tanggap nang mag-aasawa na si Shalani Soledad

MARAMI pa ring nagtatanong kung talagang totoo na raw ba ‘yang pagpapakasal nina Councilor Shalani Soledad at Congressman Roman Romulo.

Marami pa rin ang hindi makapaniwala hanggang ngayon.

So far, pati si Shalani, ganu’n din ang naramdaman niya.

Hindi raw niya maipaliwanag kung ano ang naramdaman niya. Basta dumating na lang daw ang ganu’ng feelings nang manligaw sa kanya si Roman at sobrang bilis ng mga pangyayari, nag-propose na ng kasal at tinanggap naman niya.

Wala pa yatang dalawang buwan ang kanilang relasyon, pinaplano na ang kasalan kaya hindi pa nga talaga sila magkakilala nang husto pati ang pamilya nila.

Pero hindi naman natin saklaw ang naramdaman nila sa isa’t isa kaya i-wish na lang natin sila na maging maayos ang lahat at tuluy-tuloy na maganda ang kanilang relasyon.

Wala pa naman silang final date ng kasal, pero pinag-iisipan na raw nila kung hindi January, February next year.

Kaya kaabang-abang iyan dahil maraming mga taong involved ang guguluhin sa kasalan na iyan.

Isa na d’yan siyempre si PNoy na tiyak na kukunan ng reaksyon sa pagpapakasal ng dating girlfriend.

Ang isa pang hihingan din ng reaksyon ay si Willie Revillame dahil na-in love din iyan noon kay Shalani.

Alam naman ‘yan ni Willie noon pa, eh. Kaya tanggap na niya iyan.

May mga nagtatanong din kung tuloy pa rin ba si Shalani sa paghu-host sa “Wil Time Bigtime” ‘pag kasal na ito.

Depende pa rin sa kanya iyan siyempre. Baka gusto na lang niyang mag-plain housewife, choice niya ‘yun.

Wala namang sinasabi si Willie na kapag Mrs. Romulo na siya maghahanap na siya ng ibang co-host.

Kung matutuloy si Mariel Rodriguez sa Wil Time, puwede pa rin namang kasali rin si Shalani.

Siya na ang bahala kung gusto pa niyang ituloy ang kanyang showbiz career.

Abangan na lang natin!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply