Cusi, Devanadera idinawit sa 2004 poll anomaly

NADAWIT na rin sa umano’y sabwatan sa dayaan noong 2004 presidential election sina dating Civil Aviation Authority of the Philippines Chairman Alfredo Cusi at dating Acting Justice Secretary Agnes
Devanadera.

Ito ay batay sa naging pagbubunyag ni dating Sharia Court Judge Nagamura Moner sa imbestigasyon ng Senado sa chopper anomaly na humantong sa naging dayaan noong 2004 elections.

Ayon kay Moner, si Devanadera ang nagsagawa umano ng cover-up sa alegasyon ng dayaan sa naturang halalan.

Aniya tinuruan umano siya ni Devanadera kasama ang iba pang 16 na election officers para sabihing credible ang halalan sa Mindanao noong 2004.

Idinagdag ni Moner na si Cusi naman umano ang nagturo sa kanya na sabihin kay dating Pangulo at ngayo’y Rep. Gloria Arroyo na wala itong dapat ipag alala sa kanya hinggil sa dayaan noong 2004 elections.

Sa panig naman ni dating MIAA Gen. Manager Alfonso Cusi, magsasalita na lamang umano siya sa tamang panahon at tamang forum. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply