Dagdag alokasyon sa mga estudyante igigiit

LABING-DALAWANG kongresista ang lumagda sa unity statement upang sama-samang manawagan sa administrasyong Aquino na huwag kaltasan ang pondo ng mga State Universities and Colleges (SUCS) sa 2012 proposed national budget.

Kabilang sa mga lumagda sina Kabatan Partylist Rep. Raymond Palatino, Bayan Muna Reps. Teddy Casino at Neri Colmenares, Gabriela Reps. Luzviminada Ilagan at Emmi de Jesus, ACT Partylist

Rep. Antonio Tinio at Anakpawis Rep. Rafael Mariano.

Gayundin sina San Juan Rep. JV EJercito, Bagong Henerasyon Rep.

Bernadette Herrera-Dy, Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, Davao Rep. Karlo Alexei Nograles, Aurora Rep. Juan Edgardo Angara at

Nueva Ecija Rep. Josefina Joson.

Nakapaloob sa kahilingan na dapat dagdagan ang P21.89 bilyon na pondo ang SUCS sa susunod na taon.

Binigyang diin pa ng mga mambabatas na maaaring ibalik ang tinapyas sa budget ng SUCS para sa 2011 na alokasyon kung bibigyan ng bahagi sa P2 bilyon na lump sum funds para sa mga bakanteng

posisyon at sa P39 bilyon na pondo mula sa Conditional Cash Transfer (CCT) program.

Umaasa naman ang mga nabanggit na kongresista na kahit ayaw ng Malakanyang ay maninindigan ang Kongreso para maiangat ang tertiary education sa bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply