Dagdag-proteksyon sa mga sekyu isusulong

ISUSULONG ni Ang Galing Pinoy Party-list Rep. Mikey Arroyo ang dagdag-proteksyon sa mga security guard dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nasasawing guwardiya sa panahon ng kanilang trabaho.

Dahil dito, tiniyak ni Arroyo na gagamitin niya ang pork barrel upang maisulong ang proteksyon ng mga guardiya tulad ng hazard pay, health service at insurance policies.

Ang pahayag ni Arroyo ay kasunod ng mga balitang may mga gwardiya na nagbubuwis ng kanilang buhay habang sila ay nasa pagsisilbi ng kanilang tungkulin. Inihalimbawa Arroyo ang insidente ng pamamatil noong Setyembre 14 sa SM North Edsa kung saan isang security guard ang napatay habang pinipigilan ang isang babaeng nais magpakamatay matapos niyang barilin ang sariling asawa.

Binigyang diin ni Arroyo na araw-araw na kinakaharap ng mga gwardiya ang peligro dala ng kanilang trabaho kaya marapat lamang na ibigay ang mga kompensasyon para sa kanila.

Banat pa ni Arroyo na kung hindi lamang naantala ang paglabas ng kaniyang Priority Development Assistance Fund o PDAF ay nakapagbigay sana siya ng alokasyon para sa PhilHealth cards at insurance fund para sa mga gwardiya.

Si Rep. Mikey Arroyo ay kabilang sa mga miyembro ng oposisyon na wala pang natatanggap na pork barrel.

Sinabi ng mambabatas, napapanahon na upang masiguro ang proteksyon para sa mga security guard mula sa panganib ng kanilang trabaho, kaya naman nananawagan siya na ilabas na ang kanyang pondo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply