Dagdag-sahod iginiit kapalit ng fare hike sa LRT, MRT

HINAMON ngayon (Biyernes, Setyembre 9) ni Lipa Archbishop Ramon Arguelles ang administrasyo ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino na taasan ang sahod ng mga manggagawa matapos na suportahan ang pagtataas ng singil sa pasahe sa MRT at LRT.

Ayon kay Arguelles, bukod sa maaapektuhan ang mga manggagawa ng pagtaas ng government service fees ay sila rin ang labis na matatamaan ng pagtaas ng pasahe sa MRT at LRT.

Sinabi ni Arguelles na kailangang taasan ang sahod ng mga ordinaryong manggagawa at magkaroon ang mga ito ng hanapbuhay.

Maliban pa aniya ang pasanin ng mga mamamayan sa patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo na nakaaapekto sa pagtaas ng pangunahing bilihin.

Binigyang diin ni Arguelles na maaari namang i-subsidize na lang ng gobyerno ang pasahe.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply