Dahil sa kutsara, ka-live-in binanlian ng kelot

SWAK sa kulungan ang isang lalaki matapos ireklamo ng kanyang ka-live-in makaraang buhusan ng mainit na tubig sa mukha ng hindi mabigyan ng kutsara, Lunes ng umaga sa Caloocan City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Caloocan police ang suspek na si Deczen Bineles, 24, ng 51 Abe St., PNR Compound, Caloocan City.

Nagpapagamot naman sa Presidente Diosdado Macapagal Memorial Medical Center (PMMMC) sanhi ng pagkakalapnos ng kaliwang mukha si Cecilia de Guzman, 21.

Ayon sa ulat, 7:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng kanilang bahay.

Humingi ng kutsara ang suspek at nang walang maibigay ang biktima ay agad na kinuha nito ang kanilang thermos at walang sabi-sabing ibinuhos sa mukha ni de Guzman.

Agad namang humingi ng tulong sa mga barangay tanod ang biktima na naging dahilan ng pagkakadakip ng suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply