Daiana Menezes igagarahe na

INAMIN ng guapo at magaling na director na si direk GB San Pedro, director ng “Paparazzi: Showbiz Expose” na pupunta siya sa Brazil para formal na magpakilala at tuloy na mamanhikan sa pamilya ng girlfriend niyang si Daiana Menezes. Bago pa lang ang kanilang relasyon, halos wala pa nga itong isang taon pero kasalan pala agad ang magaganap.

Ayon sa guwapitong director, hindi naman daw porke’t namanhikan na siya ay kasalan na.  Ang ibig sabihin nito, isang engagement lang daw iyon na magpapatunay na sila ni Daiana Menezes ay para sa isa’t isa at nagmamahalan sila at handang magpakasal.

Wala pa raw namang araw o definite na plano sa naturang kasal, maaari rin naman daw itong maging isang long engagement. Ang mahalaga lang daw ay may pormal na kasunduan na sila ng syota. Dagdag na say pa rin ni Direk San Pedro, siya raw kasi ang tipo ng lalaking pag nagmahal ay isa lang at hindi na pomoporma sa ibang tsiks kung kaya buo na ang kanyang desisyon na si Daiana na ang babaing pakakasalan. Isang katangian daw nitong kanyang nagustuhan ayang pagiging sobrang malambing at maasikaso kung kaya labis na napalapit ito sa puso ni direk.

***

NAPAKASAYA ng samahan sa Paparazzi ng TV5 lalo na nina Ruffa Gutierrez at ni DJ Mo Twister, tila hindi uso sa kanila ang salitang pikon. Tulad na lang nitong nakaraang Linggo, Off cam tuwing commercial break ay inaalaska ni Ruffa si DJ Mo sa pagsasabing loveless si DJ Mo, na nginingitian naman ng host. Sa panayam ng inyong lingkod kay DJ Mo, ay inamin nito na talagang wala na sila ng rumored girlfriend niyang si Rhian Ramos, taliwas ito sa mga naglalabasang balita na tinatago at muling nagkabalikan sila ng Kapuso actress. Say pa rin niya, kahit mismong si Rhian ay sasabihin din na talagang wala na sila. Pero hindi naman daw nangangahulugang tuluyan nang isasara ni DJ Mo ang pintuan ng kabanatang ‘yun nang kanyang buhay pag-ibig.

***

DATI nang naging host sa isang reality search show ang Jukebox Queen na si Imelda Papin, ito ay ang “Pasikatan sa Trese” pero sa bagong show niya sa GMA-7, ang Protégé na nagsimula kahap[on, September 4, ay sobrang na-challenge si Imelda. Bukod kasi sa siya mismo ang mentor ng kanyang magiging protégé ay nahirapan ang singer na mamili ng kanyang magiging protégé dahilan halos lagpas 100 ang magagaling na kanyang napili pero kailangang kumuha lang siya ng tatlo.

Ang naging final choice ni Imelda para maging protégé niya ay isang dalagitang babae, isang batang lalake at isang grupo ng mga bulag na singer. Puso at angking sobrang galing sa pagkanta ang naging basehan ni Imelda para mapili niya ang kanyang magiging “Protégé.”

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply