Dalaga binaril habang natutulog

TODAS agad ang isang dalaga matapos barilin ng isang hindi pa nakikilalang lalaki habang ito ay mahimbing na natutulog sa loob ng inuupahang bahay Miyerkules ng gabi (Setyembre 21) sa  Barangay Longos, Malabon City.

Dead on spot sanhi ng isang tama ng  bala ng baril sa kanang mata si Marilyn Cellon, 41, dalaga ng Blk. 9, Hito st., Barangay Longos ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, alas-11:30 ng gabi ng barilin ang biktima habang mahimbing na natutulog sa kanyang kinahihigan kama.

Sa pahayag ng saksing si Cecilia Sy, katabi niya sa higaan ang biktima nang biglang pumasok ang suspek na nakasuot ng short pants na maong at  nakasuot ng ballcap na kulay pula at agad binaril ng malapitan si Marilyn.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa nasabing krimen, habang isang manhunt operation ang inilatag ng pulisya sa agarang pagkakakilanlan at ikadarakip ng salarin. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply