Dalaga ginunting ng selosang misis

MALUBHANG nasugatan ang isang dalaga matapos pagsasaksakin ng gunting ng selosang misis sa Navotas kagabi (Setyembre 19).

Ginagamot sa ospital sanhi ng mga saksak sa leeg, ulo at tenga si Marienden Bernerdo, 18, residente ng R. Dominggo St., Tangos ng lungsod.

Nadakip naman si Cristine Crisostomo, 26 at kapitbahay ng biktima.

Batay sa ulat, dakong alas-otso kagabi, naglalakad ang biktima sa nasabing lugar nang salubungin ng suspek at walang salitang pinagsasaksak ng gunting.

Kahit sugatan ay nagawa pang makatakbo ng biktima at nakahingi ng tulong sa mga barangay tanod na naging dahilan upang maitakbo siya sa pagamutan habang dinakip naman si Crisostomo.

Nabatid na nagseselos si Crisostomo kay Bernerdo dahil hinala nito na may relasyon ang biktima at ang kanyang asawa.

Nabasa umano ng suspek sa cellphone ng mister ang isang text message na nagsasabing may relasyon ang asawa at biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply