Dalagita ginawang sex slave ng amain

SWAK sa kulungan ang isang lalaki matapos sampahan ng reklamo ng apat na beses na panghahalay ng dalagitang anak ng kinakasama sa Navotas.

Nakilala ang suspek na si Pedro Plarisal, 55, ng Bagumbayan ng lungsod.

Nabatid na noong Agosto ay apat na beses na hinalay umano ng suspek ang biktimang edad 17 sa mismong bahay nila.

Hindi agad nakapagsumbong ang biktima dahil sa binantaan at tinakot siya ng suspek.

Napansin ng ate ng biktima na naging malungkutin ang kapatid at nang tanungin ay ipinagtapat ng biktima ang ginagawa ng amain dahilan upang magsumbong sila sa pulisya.

Kaninang umaga ay dinakip ng awtoridad ang suspek sa loob ng kanilang bahay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply