Dalagita minolestiya ng bayaw sa Caloocan

KULONG ang isang sekyu matapos ireklamo ng pangmomolestiya ng hipag na dalagita sa Caloocan City Miyerkules ng madaling-araw,  Setyembre 7.

Nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to Child Abuse si Lord Jake Rojo, 29 ng PNR cmpd., nasabing lungsod.

Sa pahayag ng biktimang itinago sa pangalang Ruby, 17,  dakong 3:30 ng madaling-araw nang magising siya sa pagtulog sa loob ng kuwarto nang maramdamang may humihimas sa kanyang katawan at humahalik.

Pagmulat ng mata ay nakita ang bayaw sa kanyang tabi na naging dahilan upang tumayo habang nagmamadaling lumabas ng kuwarto ang suspek.

Nagsumbong naman ang biktima sa kanyang kuya na naging dahilan upang ipadakip ang suspek.

Ikinatwiran ng suspek na goodbye kiss lang umano ang ginawa sa biktima subalit hindi naniniwala ang dalagita dahil madalas umano siyang tsansingan ng bayaw.

Nabatid na nagtatrabaho sa ibang bansa ang asawa ng suspek na ate ng biktima.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply