Dalagita, patay sa maling turok na gamot

MALAKI ang hinala ng kaanak ng isang namatay na pasyenteng babae na mali ang gamot na itinurok dito na naresulta sa kanyang pagkamatay sa Aklan Provincial Hospital.

Bunga nito, nakatakdang magsampa ng reklamo ang ama ng biktima laban sa management ng Aklan Provincial Hospital matapos mamatay ang kanyang 23-anyos na anak na babae.

Ayon sa ama na si Guilbert Cuales, 46, ng Arcanghel Sur, Balete, Aklan, malapit nang lumabas ng kanyang anak sa pagamutan dahil na unti-unti na itong nakarerekober sa kanyang sakit. Pero sa pagturok ng huling injection ay bigla umano itong nakaramdam ng pananakit ng ulo na agad ipinasok sa Intensive Care Unitb (ICU) hanggang mamatay.

Maging sila ay hindi alam kung ano talaga ang sakit ng kanilang anak dahil  hindi naman umano ito ipinaaalam sa kanila ng nurses at kanyang doktor.

Napag-alaman na mahigit 12-araw na naka-confine ang pasyente bago namatay dahil sinasabing maling injection. Naniniwala ang kanyang ama na baka mali ang gamot na itinurok o  mali na dosage na ipinasok sa katawan ng pasyente.

Inaasahan naman ng ama ng biktima na walang mangyayaring white wash sa gaganaping imbestigasyon kaugnay sa pagkamatay ng kanyang anak.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply