Dalawang carnapper tiklo sa Caloocan

ARESTADO ang dalawang carnapper makaraan ang isinagawang entrapment operation matapos ipatubos sa may-ari ang tinangay na sasakyan sa Caloocan City Lunes ng hapon (Setyembre 5).

Nakilala ang mga suspek na sina Jojo Palattao, 43 at Nelson Sedentario, 44, kapwa ng Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Sa pahayag ng biktimang si Adelomira De Leon, 49, noong Agosto 25, 2011, nakaparada ang kanyang Toyota Corolla (THE-288) sa tapat ng kanilang bahay sa Tanigue St., ng lungsod nang bigla na lang itong maglaho.

Kahapon ay tumawag ang mga suspek at sinabing ibabalik ang nasabing sasakyan kung magbibigay ng P50,000 ang biktima.

Agad na humingi ng tulong ang biktima sa mga pulis at ikinasa ang entrapment operation dakong 2:30 ng hapon sa Phase 5, Bagong Silang ng lungsod.

Nang inaabot na ng biktima ang P50,000 sa mga suspek ay nagsulputan na ang mga nakapaligid na mga pulis at dinamba sina Palattao at Sedentario.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply