Dalawang parehong buntis sa iisang lalaki

KUNG ung true ang tsikang buntis si Iwa Moto na kasalukuyang nasa Japan upang doon daw manganak, aba, dalawang babae pala bale ang nabuntis ni Mikey Ablan na ex-bf ni Iwa. Sa ngayon kasi, buntis rin daw si Janna Dominguez care of Mikey Ablan din. Kung matatandaan nga kasi, si Janna supposedly ang ipinalit ni Mikey kay Iwa matapos ang bayolenteng separasyon nila.

Just in a few weeks, lumantad na ang dalawa telling the whole world na sila na nga. Medyo mataray pa si Janna in saying na wala na sina Iwa at Mikey nang umeksena siya.

Nalaman din natin na magkaibigan pala sina Iwa at Janna at saksi nga ang huli sa maraming kumplikasyon sa relasyon nu’ng dalawa. Gustong palabasin ni Janna na saka lang sila nagkaroon ng eskena ni Mikey after na umeksit na si Iwa Moto.

Well, puwede ngang isiping si Janna ang naging dahilan ng mga violent encounter ng dalawa.

Na puwede nga ring sabihing nagkaselosan at dahil naglilihi si Iwa, ayun madaling nag-init ang ulo niya.

Alangan namang walang dahilan ang pagiging violent ng kanilang separasyon ng wala talagang dahilan.

Anyway, kung buntis nga rin si Janna ngayon na si Mikey rin ang ama, aba lalong naging kumplikado ang sitwasyon. Lalong puwedeng isiping talagang pinagsabay ni Mikey ang magkaibigan kaya nga pareho silang buntis.

Ganun nga kaya, buntis talaga sina Janna at Iwa at si Mikey Ablan ang ama?

***

Nora Aunor di pa pala kinalawang!

MISMONG si Nora Aunor ay nagsabing nakahanda na siyang pumirma ng three-year contract sa TV5. Ayon sa kanya, nagustuhan naman daw niya ang magandang treatment sa kanya ng naturang network. Wala raw siyang pagsisising nararamdaman na umuwi siya rito sa Pilipinas after eight years in exile na TV5 nga siya gumawa ng project.

Halos tapos na nga ang “Sa Ngalan Ng Ina” na nira-wrap up na lang ang mga natirang eksena. Nito lang ay nag-premiere na ito sa The Block sa SM and of course, bukod kay Nora Aunor, dumating din ang lahat ng mga co-stars niya.

“Nag-bonding kaming lahat, yung mga anak kong mga bagets talagang feeling ko, mga tunay kong mga anak,” sabi pa nito.

Ipinalabas din yung unang episode sa press, pati na mga fans ni Nora Aunor at talaga namang bawat labas ni Aunor ay pinapalakpakan nila. Sobrang galing kasi ng Superstar na halatang all mine to give ang acting. “Hindi pa rin talaga kinalawang si Nora Aunor,” narinig naming sabi ng ilang katabi namin.

We personally opine naman na talagang very infectious ang acting ni La Aunor dahil halos lahat ng mga kaeksena niya ay talaga namang sumabay sa intensity ng kanyang acting.

Sabi nga ni Nadine Samonte, nakahihiya di sumabay sa acting ni Nora Aunor. “I am forced to give my best para hindi ako lumabas na kahiya-hiya, mabuti nga magaling ang mga directors naming sina Mario O’ Hara at Jon Red.”

Ang Sa Ngalan Ng Ina ay istorya ni Elena Deogracias, na naging gobernador by accident nang ipapatay ang kanyang asawang pulitiko. Hindi niya ginusto ang posisyon pero dahil iniluklok siya ng taumbayan, di na niya ininda ang hirap at mga insulto, kasi nga sineryoso niya ang kanyang responsibilidad.

Ang iba pang mga artista ng miniserye ay sina Boyet De Leon, Rosanna Roces, Bembol Roco, Ian De Leon, Nadine Samonte, Alwyn Uytingco, Jorross Gamboa, Karel Marquez, Edgar Allan Guzman, Jay Aquitania, Eula Caballero at Eugene Domingo. Start na po ito sa October 3, 2011 sa TV5.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply