Dapat bang galangin ng mga kabataan si Major Sy?

ISANG policewoman ng Manila Police District  ang nakatakdang ireklamo ng 14-anyos na dalagita sa ginawang pananapak at pananampal nito sa kanya sa Malate, Manila.

Bukod sa pananapak at pananampal ay kakasuhan din ni Aimy Jane Nicor ng Malate, Manila si Major Rosalyn Sy ng MPD-PS5 ng kasong pananakot.

Ayon sa kuwento ng dalagita, nag-iigib siya ng tubig nang maganap ang pangyayari.

Habang sakay sila ng pinsan ng kanyang boyfriend ng sidecar ay binusinahan sila ni Major Sy habang sakay naman ito ng kanyang kotse.

Pagkarinig ng nagmamaneho ng sidecar sa busina ay tumabi ito sa gilid.  Pero patuloy pa rin daw sa pagbusina si major kahit na nasa tabi na sila.

Sa pag-aakala ng dalagita na ang bumubusina sa kanila ay isang civilian ay sinigawan niyang ‘baliw’ ang akalang civilian na si

Major Sy.

Pagkarinig daw ni Major Sy na sinabihan siyang ‘baliw’ ng nasabing dalagita, bumaba agad ito at kanyang hinatak palabas sa sidecar ang dalagita at saka pinagsasapak at  pinagsasampal.

Hindi pa raw nasiyahan si Major Sy at kanyang pinagbantaang ikukulong ang dalagita sa pagsasabi nitong ‘baliw’ sa kanya.

Paging, PNP chief Gen. Nicanor Bartolome, yaman din lang na  ikaw na  ang bagong PNP chief, pakisampolan nga ninyo yang si Major

Sy.

Turuan ninyo na galangin niya ang karapatan ng mga menor de edad.

SAUNA NI CALIXTO SEX-TRADE GRABE

Patuloy pa rin daw ang operation ng sex-trade sa Lapulapu Health Palace formerly Magellan Sauna Bath sa Buendia,Pasay City. Wala raw kasing bukambibig ang may-aring Fil-Am kundi si Mayor Tony Calixto. Kaya mayabang.

Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764,09266719269 o i-email sa juandesabog-@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply