Dapat papurihan ang CIDG

MAY tiwala kaya itinalaga ni Pangulong Noynoy Aquino si Deputy Director General Nick Bartolome bilang bagong hepe ng Pambansang Kapulisan.

At sa nakikita natin, ‘di lang ang Pangulo ang nagpakita ng tiwala sa magaling na police general, kundi ang mayorya ng sambayanan.

Walang maipipintas kay Gen. Bartolome. Simpleng tao at sa kasimpliha’y nasasalamin ang pagiging totoo niyang public servant.

Katulad niya ang mahigpit na katunggali sa Philippine National Police top post, si Director Sammy Pagdilao, Jr. ng Criminal Investigation and Investigation Group.

Sa ipinakikita ng CIDG, masasabi nating ‘partners’ sina Gen. Pagdilao at Gen. Bartolome sa napipintong reporma sa PNP.

Mula kasi noong si Gen. Pagdilao ang naging hepe, ang investigating body ng Pambansang Kapulisan o CIDG ay naging ‘aktibo’.

Sa pakikibaka sa mga kriminal, walang unit ng PNP ang tatalo sa kasipagan ngayon ng mga intelligence agent at operative ng CIDG.

Kumbaga, si Gen. Pagdilao ang inspirasyon ng mga kawani at operatiba para magtrabaho at mahuli ang mga bumabaluktot sa  batas.

Noong nakaraang araw lamang, nakatanggap ako ng ulat mula sa CIDG office sa Ozamis City tungkol sa pagkakapatay sa isang gun-for-hire.

Dalawang bala ang tumapos kay Martin Agan Hisola, 25 mula sa putok na pinakawalan ng tropa ni Ozamis City CIDG chief Sr. Insp. Danilo F. Balmes.

Ayon kay Sr. Supt. Eliseo Rasco, Regional chief ng 10th RCIDU, nakatakas ang kasama ni Hisola, isang nangngangalang Edgar Caduc.

Kung dapat papurihan si Gen. Pagdilao dahil sa maayos na pamamahala, dapat din sigurong purihin ang nagtatrabahong operatives.

Kaya kina Col. Rasco, Capt. Balmes, SPO4 A. Salcedo, SPO3 A. Castillano, SPO1 L. Codera, SP01 F. Mariano at SPO1 Ratilla.

Ang masasabi natin, isang malakas na tapik sa balikat sa pagkakapatay nila sa numero unong wanted na gun-for-hire na si Hisola.

Kung lahat ng unit, rehiyon at distrito ng kapulisan ay kasing sipag na ipinakikita ngayon ng CIDG, magtatagumpay ang liderato ni Gen. Bartolome.

Tiyak yan…..

Rendahan si Kag. Amang Santos

Dapat sigurong kumilos si DILG Sec. Jesse Robredo para mahinto na ang mga pasugalan ni Baesa, QC Kagawad Amang Santos.

Hanggang ngayon kasi, inirereklamo pa rin ng mga residente ang pasakla at nagkalat na makina ng video karera sa Mendez St.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply