Dating gobernador pinapaaresto ng Sandiganbayan

DAHIL sa pagkakasangkot sa isang mining controversy noong taong 2008, pinapaaresto ngayon ng Sandiganbayan si dating Palawan Governor Joel Reyes at isang opisyal ng Provincial Mining Regulatory Board (PMRB).

Bukod sa warrant of arrest, nagpalabas na rin ang 3rd Division ng Sandiganbayan ng hold departure order (HDO) laban kay Reyes at PMRB head secretariat Andronico Jara Baguyo.

Ayon kay Provincial Board Member Rolando Bonoan, spokesman ni Reyes, nagpiyansa na ang dating gobernador ng P30,000 para sa kaukulang kaso

Sinabi naman ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Reyes, na nagtataka sila kung bakit muling naisampa ng Ombudsman ang kaso gayung ibinasura na ito 5th division ng Sandiganbayan noon pang November 2010.

Ang kaso ay nag-ugat sa reklamo ng isang Fernando Santos, miyembro ng Manila-based non-government organization laban kina Reyes at PMRB dahil sa paglabag sa small scale mining law kaugnay sa mining operations ng platinum group metals corporation na binigyan umano ng pabor ng dating gobernador. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply