Dating kolektor sa Subic wanted kay Biazon

PINAGHAHANAP ang dating customs collector sa Subic Freeport para magpaliwanag sa pagkawala ng 172 luxury vehicles sa freeport.

Hindi malaman ng personnel ng ahensya kung saan hahanapin si Atty. Marrietta Zamoranos matapos ipag-utos ni Customs Commissioner Ruffy Biazon na papuntahin ito sa kanyang opisina upang magpaliwanag.

Napag-alaman na nasa floating status ang dating collector matapos masibak sa kanyang tungkulin sa Subic at hindi nito kailangang pisikal na nasa ahensya palagi.

Sa inisyal na ulat na nakita ni Biazon, lumabas na ang mga behikulo ay nawala sa panahon ng dating Customs Commissioner Napoleon Morales at si Zamoranos ang nakaupo bilang kolektor sa Subic Freeport.

Sa ulat ni isinumite ni Gen. Danny Lim kay Biazon, ang mga nawawalang behikulo ay dapat lamang ginagamit sa loob ng Subic ng mga locators kung saan ang mga ito ay rehistrado ng asul na plaka o “diplomatic plates.”

Isasama rin sa imbestigasyon ang mga responsable sa seguridad sa loob ng Freeport para malaman kung paano nakalabas ang mga behikulo sa loob ng Freeport at makita ang talaan at impormasyon na magsasabi kung kailan at sino ang responsable sa paglalabas ng mga ito.

Makikipag-ugnayan din ang BOC sa LTO sa posibleng pagpapalit ng asul na plaka sa berdeng plaka ng mga nawalang behikulo.

Ayon kay Biazon, hindi awtomatikong makikita ang prosesong dinaanan ng mga behikulo sa mga computers ng ahensya dahil iba ang service provider ng dalawa. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply