Dating PNP official nasa likod ng ‘pension scam’

TINUTUTUKAN ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang isang dating opisyal ng Philippine National Police na may nalalaman sa “ghost pension” scam sa hanay ng pulisya.

Gayunman tumanggi Interior Secretary Jesse Robredo na pangalanan ang dating police official, na sinasabing may koneksiyon pa rin sa iba pang sangkot sa anomalya.

“Hindi [siya] ang mastermind nguni’t isang tao na parang directly involved doon, identified na. Kailangan mahuli siya para maituro kung sino pa ang mga involved,” sinabi ni Robredo.

Batay sa impormasyon sinabi ni Robredo na matagal ng wala sa serbisyo ang nasabing opsiyal pero marami at nananatili pa rin ang kanyang mga contact sa loob ng PNP.

“Sigurado na nakikinabang pa ito at ang aming suspetsa baka may kasama sa loob. Imposibleng walang kasama sa loob,” dagdag pa ni Robredo.

Sa ngayon ay iniipon na nila ang mga record at files ng mga ito upang hindi mabalam o maantala ang pagbabayad sa mga lehitimong beneficiaries ng pensyon.

Samantala, inatasan na ni Robredo ang PNP na higpitan ang limitasyon ng pagbabayad doon sa mga kahina-hinalang beneficiaries.

Nauna rito, umaabot sa P1 bilyon umano ang nawala sa kaban ng gobyerno dahil sa “ghost pensioners” sa PNP magmula noong 2006.

Gumastos aniya ng may P200 milyon at P250 milyon mula noong 2006 sa mga namatay na empleyado na wala naman sa hanay ng pulisya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply