Davao nagdeklarang ‘zero crime’ kaugnay ng tigil-pasada

HINDI pa man natatapos ang araw ay nagdeklara na ng “zero crime ang Davao City kaugnay sa tigil-pasada na ikinasa ng Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) ngayong araw.

Bagamat inulan ng reklamo ang hotline ng naturang lungsod ay hindi rin naramdaman o walang epekto ang ikinasang tigil-pasada doon gaya ng iba pang parte ng bansa na nagkaroong ng kilos-protesta.

Ayon sa local monitoring ng lungsod, walang naiulat na naistranded dahil sa sapat ang mga bus at pampublikong sasakyan na pumasada ngayon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply