Davao RTC nabulabog sa bomb threat

NAGKAGULO at nabulabog ang dalawang sangay ng Davao Regional Trial Court (RTC) matapos makatanggap ng magkasunod na bomb threat.

Unang nakatanggap ng tawag sa telepono ang branch 14 ng Davao City RTC hinggil sa bomba na di umano ay nasa 3rd floor ng Bulwagan ng Katarungan.

Gayunman, bigo naman ang Philippine National Police (PNP) Explosive and Ordinance Division (EOD) na makahanap ng bomba sa kanilang paghahalughog sa gusali.

Lumipas ang 30 minuto ay nakatanggap ng bomb threat ang branch 15 ng Davao RTC dahilan upang maghalughog ulit ang mga kinauukulan.

Pasado-10:00 ng umaga nang magsibalik sa kani-kanilang rabaho ang mga empleyado ng justice hall matapos magbigay ng clear signal ang PNP-EOD.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply