De Lima inutil sa kaso vs Arroyos – Trillanes

HARAPANG sinabi ni Sen. Antonio Trillanes IV na inutil si Justice Secretary Leila De Lima dahil tila pinagtatakpan pa ang dating Pangulo, ngayon Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa malawakang dayaan noong 2004 presidential elections.

Sa panayam matapos dinggin ang badyet ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), lantarang naipakita ang pagkapikon ni Trillanes sa pahayag ni De Lima na wala siyang direktang ebidensiyang magdidikdik kay Arroyo sa Hello Garci scandal.

“Nakita mo ‘yung statement niya, no direct link to Arroyo, parang inabswelto mo eh. What happens now to the Garci tapes, hindi pa ba diretso ‘yun? Direkta ‘yun eh. Kahit hindi ka abugado matatahi-tahi mo naman ‘yung istorya eh,” aniya.

Dahil dito, naniniwala si Trillanes na hindi magtatagumpay si Pangulong Benigno  Aquino II hangga’t kalihim ng katarungan si De Lima dahil mistulang nagkakaroon ng matinding trapiko sa daloy ng kasong hinahawakan ng DOJ.

“Eh lalo na ‘yung plunder case. Kung ‘yung narinig nating ebidensya eh hindi pa direct evidence sa kanya eh lalo na ito. As long as she’s still the secretary

of Department of Justice, I’m not optimistic na matutupad ‘yung statement na ‘yun ni Presidente Aquino,”  paliwanag pa ni Trillanes.

Aniya, kahit hindi abogado, kakasuhan kaagad si Arroyo kabilang ang kanyang kasabwat sa pananamantala sa poder dahil may nakita nang probable case sa

isinagawang imbestigasyon hinggil sa katiwalian ng nakaraang administrasyon na pinagtibay ng dambuhalang ebidensiya at testimonya.

“Probable cause lang ang kailangan dito, i-file mo sa korte ‘yan. For that matter, ibigay mo na sa Ombudsman kasi gagawin din naman nila ulit ‘yun. They

will go to the same process again. So what is she waiting for? Nakatengga lahat ng kaso sa opisina niya, wala siyang ginagawa.” Himuto ng senador.

Kaya naniniwala si Trillanes na pawang “papogi  points” lamang ang isinasagawa at pahayag ni De Lima hinggil sa katiyakan na kakasuhan ang mga Arroyos at

kasabwat sa pandarambong sa kaban ng bayan dahil plano nitong tumakbo bilang senador sa 2013.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply