De Lima namumurong malaglag sa CA

NAMUMURO nang malaglag sa kumpirmasyon ng makapangyarihang Commission on Appointment (CA) si Justice Secretary Leila De Lima matapos itong kuwestiyunin ng isang miyembro hinggil sa pagbibigay ng “VIP treatment” kay dating first gentleman Mike Arroyo.

Pinagpapaliwanag ngayon ni Sen. Antonio Trillanes IV si De Lima hinggil sa hindi nito pantay na pagpapatupad ng batas ukol sa pagbibigay ng espesyal na trato kay Mike Arroyo.

Inihayag ng senador ang kahilingan matapos maiulat na noong isang araw ay nakalabas ng bansa si Arroyo patungong Munich, Germany upang magpagamot.

“Secretary De Lima must explain why she has decided not to place former FG Mike Arroyo in the Bureau of Immigration’s watch list despite of the plunder charge filed by the CIDG against him, in the same manner she has placed others with similar charges in the watch list,” ani Trillanes.

Ayon kay Trillanes, ang pagpayag kay Arroyo na lumabas ng bansa ay kabaligtaran ng kanyang naunang posisyon gaya na lamang sa kaso ni dating Pagcor chairman Efraim Genuino at mga anak nito na inilagay sa watch list base sa isinampang plunder case laban sa kanila.

“Two or three weeks ago, Sec. De Lima said in a press conference that she is studying the possibility of placing FG in the watch list. As usual, it was all just a press release. Now the horse walked out of the barn because she left the barn door wide open,” idiniin ng senador.

Ani Trillanes kung sakaling hindi na bumalik ang dating unang ginoo at tuluyan nang hindi harapin ang mga kasong isinampa dito ay dapat na magpaliwanag at managot si De Lima.

Nauna nang hiniling ni Trillanes kay De Lima na magbitiw sa pwesto matapos itong mabigong sampahan ng mga kaso ang dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa kabila ng 14 na buwan na itong nakaupo sa Department of Justice.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply