Death toll ni Pedring 21 na — NDRRMC

UMAKYAT na sa 21 ang bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Pedring sa buong Luzon kabilang ang Metro Manila ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ayon kay Benito Ramos, executive director ng NDRRMC kabilang sa naidagdag sa kanilang listahan ay sina Maricel Bustamente, 20, ng Pangasinan, na nabagsakan ng punongkahoy, Rica May Hatitay na nadaganan ng puno ang bahay sa San Jose del Monte, Bulacan at Tania Balong, 22, ng Barangay Ninangga, Isabela na nalunod sa baha.

Nasa 35 pa rin ang bilang ng mga nawawala habang nasa 14 naman ang sugatan.

Sa inisyal na ulat ng tanggapan umaabot sa P105 milyon ang pinsala sa agrikultura at imprastraktura.

Nasa 3,365 pasahero pa ang stranded sa mga pantalan at paliparan habang 9,826 pamilya naman ang nanatili sa evacuation centers o katumbas ng mahigit 47,000 katao.

Samantala, ilan sa mga residente sa National Capital Region (NCR) at ilang mga rehiyon na naapektuhan ng bagyo ay nagsibalikan na rin sa kanilang mga tahanan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply