Declassified martial law documents isinuko ng AFP sa CHR

KASABAY ng paggunita ng ika-39 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law, isinuko kanina ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang declassified document sa Commission on Human Rights at iba pang civil society groups sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.

Personal na nagtungo at tinanggap ni CHR Chair Etta Rosales ang mga dokumento sa turn over ceremony kasabay ng pag-anunsyo na malaki ang maitutulong nito sa kasunduan sa pagitan ng civil society groups at militar.

Ayon kay Rosales, isasapubliko nila ang mga dokumento para mapag-aralan ng mga mag-aaral, legislators at ng mga survivor ng Martial Law Era.

Dumalo rin sa nasabing okasyon sina Defense Secretary Voltaire Gazmin; Bohol Representative Rene Relampagos, House of Representatives chairman on the committee on human rights; Dr.
Fermin de Leon, National Defense College of the Philippines President; Philippine Alliance of Human Rights Advocates Chairman Teodoro de Mesa, at AFP deputy chief of staff Major General
Anthony Alcantara.

Paniwala ni De Leon, magiging kabaligtaran ang naging epekto ng paghihigpit ng gobyerno noon sa panahon ngayon oras na mabasa ng mga mamamayan ang ipinasang mga dokumento.

Giit naman ni Relampagos, tuturuan ng mga declassified document ang mga kabataan na magpahalaga sa tinatamasang kalayaan ngayon, matapos maranasan ng mga naunang henerasyon ang mga paghihirap sa panahon ng rehimeng Marcos.

Kakatulungin ng CHR ang National Archives at ang National Historical Commission sa pangangalaga sa mga dokumentong may kinalaman sa ML.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply