Defending champion sa FIBA-Asia, tinalo ng Jordan

HINDI nakapalag ang defending champion na Iran nang talunin ng Jordan sa nagpapatuloy na quarterfinal round ng FIBA-Asia Olympic Qualifiers.

Nabatid na matindi ang ipinamalas na depensa ng Jordan sa simula hanggang matapos ang laro para mahirapan ang Iran at tuluyang matalo sa iskor na 88-84.

Pinangunahan ni Sam Daghles ang winning team matapos humakot ng 23 points.

Sunod na makakalaban ng Jordan ay ang mananalo sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan sa kanilang laro na magsisimula mamayang alas-6:00 ng gabi.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply