Demonyita pa rin: Marian Rivera nagbabait-baitan lang

PINAPAIKOT lang ba tayo ni Marian Rivera if she keeps saying na wala naman daw siyang makitang dahilan kung bakit patuloy silang iniintriga ni Rhian Ramos na kesyo ganyan at ganito. Na kesyo, hindi naman siya kailanman na-insecure kay Rhian at kung hindi sila nakapag-usap noon ay dahil nga busy sila kapwa at walang panahon.

Dapat ba tayong maniwala? Kilala na sa pagiging maldita at demonyita si Marian at di puwedeng magbago yun. Likas ang sama ng ugali ni Marian and that’s that. Kumbaga, pilit lang tayong pinaniniwalang mabait na siya, maniniwala ba kayo?

May ek pa si Marian na kesyo talagang immature lang siya noon kaya ganoon ang ugali niya. Pero ngayon nga raw, nag-mature na siya kaya bumait na siya.

Owwss?

Narito pa ang ilang pahayag ni Marian tungkol kay Rhian at pagsasama nila sa “Panday.”

“Wala naman kami talagang naging away,” sabi pa niya.“Wala lang chance na magkita kami’t magkausap. So ngayon, may eksenang magkasama kami sa ‘Panday 2’, di nag-usap kami. Also sa pictorial, may mga nagsasabing inaaway ko siya kasi siya ang kapareha ni Dong (Dingdong Dantes) in his next soap. Ba’t ko naman siya aawayin dahil doon e, nagkasama na sila before sa ‘Stairway to Heaven’? Basta ako, walang sinumang inaaway. Ang sweet-sweet ko nga. Peace na lang tayong lahat.”

Malinaw, si Marian pa ang nagpaalala tungkol sa sabi niya ay wala naman silang sigalutan noon ni Rhian dahil kay Dingdong Dantes. Kumbaga, inuunahan na niya yung puwedeng maging intriga na naman dahil sa pagseselos niya. But like we are saying, never nang magbabago si Marian dahil nga likas ang kanyang pagkaselosa. Ang tiyak, sa kasagsagan ng pagtatambal nila ni Rhian at Dingdong para sa isang teleserye, hindi puwedeng manahimik si Marian.

Abangan na lang natin ang pagmamarakulyo niya.

Heto pa, nagsalita si Dingdong na excited siya sa muli nilang pagtatambal ni Rhian Ramos. Na kesyo wala raw problema kay Marian dahil nga nagbago na nga raw ito.

***

Ang tunay na dahilan kug bakit ‘di puwedeng ikasal sina Carmina Villaruel at Zoren Legazpi

UMAMIN na si Zoren Legazpi sa tunay na dahilan kung bakit di pa matutuloy ang kasal nila Carmina Villaroel.

Sa gitna nga ng katotohanang tunay naman silang nagmamahalan, di nila magawang pagtaliin ang kanilang mga puso. Mahusay naman ang takbo ng kanilang buhay at kumbaga, kasal na lang ang kulang sa kanilang dalawa.

Nagsampa nga ng annulment si Carmina para mapawalang-bisa ang kasal nila ni Rustom Padilla na ngayon ay kilala bilang Bebe Gandanghari.

Iyon daw ay para matupad na ang matagal na nilang pangarap na pagpapakasal. Sabi ni Zoren, more than five years na silang naghihintay ng resulta ng nai-file nilang annulment ni Carmina, pero lagi raw sinasabi sa kanila ay pirma pa ng isang judge ang kailangan para maaprubahan na ang annulment at mapawalang bisa na ang kasal nina Carmina at Rustom.

May ilang empleyado na nga raw sa korte ang nagtataka sa kaso na hindi pa rin maibigay sa kanila ganoong ‘patay’ na si Rustom Padilla (ngayon ay isa nang Bebe Gandanghari).

“Pirma na lang daw ng judge ang kailangan at aprubado na ang pagbabawalang bisa sa kasal nina Carmina at Rustom. More than five years na at laging ganu’n ang rason,” ani Zoren.

Dahil sa buwisit ay hindi na raw sila interesado. Ang dating pa sa kanila ay gusto ng ‘padulas’ (lagay) para mailabas at maibigay na sa kanila ang matagal nang inilalabang annulment. Nilinaw din ni Zoren na walang kinalaman sa ‘di natuloy na wed- ding nila ni Carmina ang pag-alis niya sa GMA7. Matatandaang pinangakuan sila ng executive ng show nila rati sa Kapuso network na Love Ni Mister, Love Ni Misis na sasagutin lahat ng magagastos sa kasal nila na ipapalabas sa kanilang show, pero hindi ‘yun natuloy.

“Kung ikakasal kasi kami, magkakaroon ng technical problem dahil ‘di pa aprubado ang annulment nina Carmina. ‘Yun ang tunay na dahilan.”

***

Mabuhay ang kulturang Kapampangan!

OK MUSICA stands for Original Kapampangan Music, Singers, Composers and Artists. This is an organization of advocates of Kapampangan culture. Some illustrious men and women of Pampanga head the group and one of them is Angie Hizon of the Pampanga’s Best fame. There are also other figures, but suffice to say, Angie is the moving spirit and has some ambitions and dream to perpetuate the Kapampangan culture.

For a starter, the group has put up a television show that would showcase the cultural heritage of the Kapampangans.

Isa itong televison show entitled BALEN na parang mainstream ang istilo na tipong SOP or ASAP pero talagang nagpapalaganap ng kulturang Kapampangan ang nasa unahan ng show.

Hindi na namin nakuha ang mga pangalan ng mga hosts ng show, pero sinisiguro namin A-1 ang kanilang kalibre na magpapakita ng global performances. Napanood namin ang primer ng show nang magpatawag ng isang press conference sa Promenade ng King’s Royal at talaga namang na-impress ang mga dumalo.

Feeling talaga namin, we are watching the same performances ng mga mainstream network. Kaya dapat talaga, must see ito sa mga Kapampangan kababayan natin and of course ng iba pang Central Luzon citizens.

Nagp-premier po ang naturang show kagabi sa CLTV 36, ganap na ika-6:30 ng gabi. Sabi nga ng host ng presscon na si Ms. Zeny Yumul (How nice to know that she’s still very much around! – Ed), dapat itong inabangan as it will awaken the culutral advocate in every Kapampangan soul.

Marami pa kaming gustong ilahad tungkol sa organisasyong ito, kaya lang we have some space constraint, but we promise to give more of the details, and if we can, we will feature all of the stars of the show, including its organizers in some up-coming issues.

Basta lang, we request Mr. Avel Antonio  to keep us posted at mag-sked ng mga interviews for us to feature them in our gossip columns as well as in our radio programs at GVFM.

So there!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply