Denise Laurel walang balak magpakasal sa Italian boyfriend

HINDI man inamin ni Denise Laurel sa exclusive interview sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz last Sunday kung sino ang ama ng kanyang three-month old na baby. Sa cast party dinner ng “Thelma” after ng premiere night, nakatsikahan namin si Denise at doon sinabi niya na isang Italian businessman ang nakabuntis sa kanya.

Nandito lang si Denise sa Pilipinas nu’ng buntis siya. Umaalis lang siya ng bansa kapag sumasama sa ama ng kanyang baby. Ayaw daw niyang ipanganak ang kanyang baby sa ibang bansa.

Tumanggi si Denise na sabihin kung saang ospital siya nanganak dito sa Pinas.

Nagkasundo raw sila ng mommy niya na huwag na munang ilabas ang name pati na mga litrato ng firstborn niya. Siguro raw kapag five years old na ang bata at nakakapagsalita saka niya ipapakita in public. Laurel ang apelyido ng bata at kasama niya ang boyfriend all the time na buntis siya.

Pero nu’ng nagla-labor siya sadya raw niyang ‘di pinapunta ang ama ng anak niya.

Kahit may baby na ayaw pa ring magpakasal ni Denise sa ama ng kanyang anak. Although, naka-ilang beses nang nag-propose ‘yung Italian boyfriend even before she got pregnant. And the more na gusto siyanng pakasalan nu’ng nalaman na buntis siya pero tinanggihan din niya. She’s giving herself until two years before she will finally decide to marry the father of her child.

All the while we thought replay ‘yung episode ng “Maalaala Mo Kaya” last Saturday kung saan lumabas si Denise with Matt Evans. Tinape niya raw ‘yun two weeks ago. Kaya it serves as her comeback sa showbiz. Happy din siya dahil feeling welcome naman pa rin siya sa Kapamilya network as she waits for her next project.

Pwedeng-pwede pa rin si Denise  dahil sa keseksihan niya ngayon at mas palaban na sa daring roles gaya ng ginawa niya sa Maalaala Mo Kaya with Matt, huh? May kissing scene sila ni Matt sa last episode ng programa ni Ms. Charo Santos Concio.

Proud na hinamas-himas ni Denise sa harap namin ang kanyang tiyan at puson kung saan ang waistline niya ay 25. Mas sumesksi pa raw siya kesa nu’ng dalaga pa siya. Kahit daw kasi buntis siya, tinuloy pa rin daw niya ang kanyang regular fitness program plus diet sa food. Although, tuloy-tuloy din ang pagkain niya ng healthy foods for her baby.

-ooOoo-

SA premiere night din ng Thelma ay inabangan ng TV crews ng Kapamilya shows si Maja Salvador pagkatapos ng pag-amin niya sa The Buzz na siya ang dahilan ng suntukan nina Coco Martin at Mateo Guidicelli. Pero may order raw ang Star Magic na wala raw interbyu for Maja sa pemiere night.

Hindi naman nakita sa premiere night ng Thelma si Mateo. Kinongratulate namin si Maja for her performance sa movie. Humanga naman kami sa mga eksena rito na may pagka-helicopter shots ang kuha ni Direk Paul Soriano. Mabigat ‘yun sa part ni Maja as one of the producers na umarkila pa sila ng helicopter para sa ilang eksena sa Thelma.

In fairness, napaka-creative ni Direk Paul, huh. At talaga namang marami ang kanyang pinaluha sa audience sa mga eksena ni Maja sa kanyang ina portrayed by Tetchie Agbayani at younger sister na si Eliza Pineda. Maging si Eugene Domingo ay umiyak sa movie, sabi ni Toni Gonzaga na nasa premiere night para suportahan ang real-life boyfriend niya na si Direk Paul.

And speaking of Toni and Eugene, trailer pa lang talaga ng “Wedding Tayo, Wedding Hindi” ay kita na ang rapport nilang dalawa sa movie. Showing pa ito hanggang ngayon sa more than 100 theaters at sa direksyon ni Joey Reyes.

After ng matagumpay na movie ni Toni with Eugene, muling mapapanood sa primetime ng ABS-CBN ang Ultimate Multimedia Star. Hindi lang araw-araw tuwing tanghali mapapanood si Toni kundi hanggang sa primetime ng ABS-CBN. Magbabalik na kasi ang “Pinoy Big Brother” sa Primetime Bida ng Kapamilya network.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply