DepEd inutil sa ‘chalk allowance’– solon

KINUWESTYON ngayon ng isang kongresista ang kakayahan ng Department of Education (DepEd) na resolbahin ang malalaking problema ng departamento na may kinalaman sa silid-aralan at ang isyu sa mga guro ukol sa chalk allowance na hindi masolusyunan.

Dahil dito, nanawagan na si Isabela Rep. Rodolfo Albano na manghimasok na ang Kongreso sa kakulangan ng suplay ng chalk sa mga guro.

Ayon pa sa kongresista may panahon pa ang Kongreso upang makapagsagawa ng re-alignment sa 2012 budget ng DepEd dahil isasalang pa ang 2012 proposed national budget para sa ikatlo at huling pagbasa.

“Congress can still address this problem, which is a common concern of all lawmakers in their respective congressional districts,” ani Albano.

Binigyang diin pa ng mambabatas na hindi ito ang unang pagkakataon na may kakulangan sa chalk sa pampublikong paaralan.

“In some depressed areas, chalk is not the problem of the public schools teachers. Their problem is school houses with blackboards. What is the use of chalks if they have no blackboards,” ayon kay Albano.

Binanggit pa ni Albano na ang mga pribadong institusyon ay humahanap ng paraan upang matugunan ang suliraning ito na aniya’y dapat ding gawin ng mga pampublikong paaralan.

Iminungkahi rin ni Albano na huwag makuntento o umasa sa re-alignment ng badyet kungdi isulong na rin ang ideya nang pagbibigay ng kontribusyon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), mula sa kikitain nila sa 2012, sa nasabing isyu.

“Pagcor and PCSO can contribute to the fund for the procurement of chalk. It is like giving ambulances to the provinces,” sinabi ni Albano.

Sa pampublikong mga guro ay may alokasyon lamang na P700 bawat taon o P3.50 sa isang araw kung kaya humihingi ang mga ito ng annual allowance na P2,000 o P9.85 kada araw.

Ang DepEd ay mangangailangan ng P1 biyon para sa allowance ng may 500,000 public school teacher sa buong bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply