Derrick Monasterio nakatuon ngayon ang panahon kay Sarah Lahbati

ABA, merry-go-round ang mga kabataang stars ng GMA 7. May nabalitaan kami na sa set ng “Party Pilipinas” ay madalas raw ngayong nakikitang magkakatsika sina Derrick Monasterio at bagong pinupormahan niyang si Sarah Lahbati.

Sabi ng isang malapit kay Derrick, alam na raw ng binata na wala siyang pag-asa kay Bea Binene. Magiging hanggang pangarap na lang daw ito dahil nauna na si Jake Vargas.

Dahil kabataan at may katabilan ng dila sa pagliligaw, madali siyang makakuha nang kapalit sa katauhan ng single na single ngayong GMA star na si Sarah.

Bagay naman silang dalawa, in fairness.

Mukhang ini-entertain naman ni Sarah si Derrick kaya hayun sila na ang madalas magkasama kapag off cam sa Party Pilipinas. Totoo kaya ang tsikang nagpapaligaw na ngayon si Sarah kay Derrick?

000

ISA ring pinag-uusapan naman kapag may taping ang “Tween Hearts” ay sina Hero Magalona at Kim Komatsu. Hindi rin daw mapaghiwalay ang dalawa kapag nasa set. Panay tsi kahan at halakhakan ang dalawa.

Kahit take na ang isa sa kanila, nakasunod yung isa. Marami tuloy ang nakapapansin sa kanilang extra sweetness.

Wala pang ibang soap na magkasama sina Kim at Hero, paro malapit na rin daw bigyan ang dalawa. Basta Masaya sila tuwing magkasama sa Tween Hearts.

000

NAKAKATUWANG panoorin ang episode ngayong Monday ng “Face To Face” ng TV5 dahil nakatutuwang kwento ng isang playboy ang pagtutunan nang pansin ng host na si Amy Perez.

Isang mister na parang paru-paro ang dumapo raw hindi lang sa isa kundi sa tatlong bulaklak. Nagsala-salabat ang kanyang problema dahil siya ay nawili raw sa pangangaliwa. Kaya naman sa ikalawang pagkakataon ay may mahal na hari na umupo sa mahiwagang dilaw na silya ni Tyang Amy dahil sa takot sa apat na babaeng tumutugis sa kanya.

Nagkaharap-harap na sila number 1, number 2, number 3 at number 4! Kaya naman nagkagulatan at nagkakilanlanan sila nang di inaasahan. “Kaya ako naghanap ng iba dahil sinasaktan nila ako at hindi ko nakita ang hinanahanap kong pagmamahal sa kanila!” ito naman ang sinabi ni Jhun bilang depensa sa mga binabato sa kanya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply