Desisyon ng SC inikutan ng Palasyo

MAY go-signal ni Pangulong Benigno Aquino III ang ihahaing Motion for Reconsideration ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para tapatan ang ipinalabas na temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema kaugnay sa pagpapaliban ng halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at pagtatalaga ng officers-in-charge sa rehiyon.

Inatasan na ni Pangulong Benigno Aquino III si Interior Secretary Jesse Robredo na agad na i-apela ang desisyon ng Korte Suprema kung saan ay umaasa siya na mareresolba ito bago dumating ang Setyembre 30, petsa ng pagtatapos ng termino ng mga nakaupong opisyal ng ARMM.

Inamin ni Robredo na nagkita sila ng Punong Ehekutibo at napagkasunduang maghain ng motion for reconsideration sa Korte Suprema.

Sa kabilang dako, dismayado aniya ang Pangulong Aquino dahil nabitin ang kanilang ginagawang preparasyon nang ilabas ng Korte Suprema ang naturang TRO.

Gayunman ay itinuloy ang selection process ng magiging officer-in-charge (OIC) ng ARMM.

“I met with the President last night. We will file motion for reconsideration. It has stalled our preparations but the selection process of OICs continue,” ani Robredo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply