Desisyon ng SC sa ARMM elections igalang

ITO ang pakiusap ni House Minority Leader Edcel Lagman matapos maglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema ukol sa pagpigil sa presidente na magtalaga ng officer-in-charge sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM).

“The TRO obligates the respondents, representing the President, to observe “Judicial courtesy” and not to preempt the final decision of the Supreme Court by extending precipitate appointments to OICs,” ani Lagman.

Sa botong 8-4 ay pinigil ng SC ang implementasyon ng Republic Act 10153 o ang batas na nagkakansela sa eleksyon sa ARMM sa August 8, 2011.

Kasabay nito ay pinapurihan ni Lagman, isa sa nagpetisyon ang SC dahil sa pagpigil sa appointment ng OIC habang hindi pa lubusang nareresolba ang usapin ng legalidad ukol sa pagpapaliban ng ARMM elections.

“Under existing statutes on ARMM, the prohibition on the appointments of OICs will not result to a hiatus in public service because the elected incumbents will hold-over pending the election and qualification of their successors,” ayon pa rin kay Lagman.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply