DFA pinalawak ang e-passport application

PINALAWAK pa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang serbisyo nito sa e-passport application.

Tiniyak ni Foreign Affairs Assistant Secretary Jet Leda na nagkaroon ng mga problema dati sa e-passport application kaya’t niresolbahan umano ito ng kagawaran.

Ayon kay Leda, maaaring mag log-in sa www.epassport.com.ph o tumawag sa 737-1000 at makakakuha ng appointment sa loob ng dalawang linggo para sa regular pagproseso.

Matapos ang pagpoproseso, aabutin lang ng sampung araw ang processing sa mga rush application, habang 20 araw ang pagpapalabas ng mga pasaporte sa regular processing.

Aabutin lamang ng P1,200 ang bayad sa rush e-passport application habang P950 sa regular processing.

Bukod sa DFA, puwede ring mag-apply ng pasaporte sa mga travel agency na accredited ng DFA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply