DH na nagnakaw ng panty ng amo isasalba

TUTULAK na pa-Saudi Arabia ang consular team ng Pilipinas upang tulungan ang Pinay domestic helper na ikinulong matapos akusahan ng pagnanakaw ng maruming panty ng ina ng kanyang amo.

Ayon kay John Leonard Monterona ng Migrante Middle East, tiniyak sa kanya ni Consul Roussel Reyes na mabibigyan ng kaukulang ayuda ang overseas Filipino worker (OFW) na si Melanie Cordon na ikinulong sa Hail Central Jail sa Hail City matapos akusahan ng kanyang amo ng pagtangay sa nangigitata at hindi pa nalalabhang panty ng kanyang ina.

Naniniwala si Monterona na gawa-gawa lamang ang kasong isinampa kay Cordon matapos magpaalam sa kanyang amo na babalik na sa Pilipinas dahil tapos na ang kanyang kontrata.

Inireklamo rin ni Cordon ang hindi makataong pagtrato sa kanya ng kanyang mga amo na ginagawa siyang alipin ng buong pamilya

Dahil dito, hinimok ni Monterona ang mga opisyal ng Embahada na tutukan at suriing mabuti ang kaso ni Cordon dahil posibleng naging biktima siya ng arbitrary detention at illegal arrest matapos magpahiwatig ng pagnanais na makauwi na sa Pilipinas.

Kung kinakailangan aniya na maghain ng diplomatic protest ang gobyerno ng Pilipinas ay dapat nang gawin ito upang hindi na muling mangyari sa iba pang OFWs na nagtatrabaho sa naturang bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply