‘Di kawalan?: Toni dedma sa paglayas ni Mariel sa kanilang noontime show

NITONG nakaraang linggo ay bumulaga sa mga babasahin ang napipintong paglipat ni Mariel Rodriguez upang maging co-host ni Willie Revillame, kapalit ng mag-aasawang si Shalani Soledad sa “Wiltime Bigtime” ng TV5 (Masyado ka namang advance Wally. Wala naman yatang tsikang ganyang so far – Ed).

Lalong naging malakas ang usap-usapang ito nang last week ay nag-resign na si Mariel sa kanyang panghapong programa sa Dos ang “Happy, Yipee, Yehey” kung kaya hindi na raw ito nakita pa sa naturang programa simula ng Biyernes, Sept. 1.

Tsika pa rin na nagkaroon pa raw ng isang closed door meeting sa pagitan ni Mariel at ng management ng Dos pero sa resignation pa rin nauwi ang nasabing pagpupulong.

Isa sa nakunan ng pahayag ng inyong lingkod hinggil sa kaganapan na ito ang isa sa madalas na kasama ni Mariel sa hosting jobs sa ABS-CBN 2, si Toni Gonzaga na kasamahan rin niya sa HYY at isa sa inabangan ng masa sa nakaraang PMPC Star for a Cause show na ginanap sa SM North Edsa, sa Skydome last Sept. 17.

Ayon kay Toni, wala siya sa posisyon para magsalita sa kaganapan sa HYY particular na sa pagre-resign ni Mariel. Say pa ni Toni, wala siya noong araw na nagkaroon ng pagpupulong at nalaman na lang niya ang nangyari kinabukasan pagbalik niya sa noontime show nila ni Mariel.

Dagdag pa ni Toni, kung ano man daw ang nasa isipan at desisyon ni Mariel, na may kinalaman sa personal choice nito ay igagalang at nirerespeto ito ni Toni.

Malungkot man isipin na magkakalayo na sila ng kaibigan pero masaya siya para sa desisyon nito. Remember, minsan ding dumaan si Toni sa ganitong sitwasyon kung saan mula sa GMA-7 ay pikit-matang tumalon si Toni sa ABS-CBN kahit pa magaganda at top rating ang mga shows niya noon sa GMA-7.

***

MARAMING nagduda sa mainstays ng “Tween Hearts” at “Munting Heredera” na sina Kristoffer Martin at Joyce Ching na higit pa sa mag-bestfriend o magka-loveteam sa kanilang shows sa GMA-7 na Tween Hearts at Munting Heredera ang turingan ng dalawa. Maingay din ang tsikang mag-on na nga sila at pilit lang tinatago nila ang tunay na relasyon. ‘Ika nga, career move.

Ngayong muli na namang magsasama ang dalawa bilang magka-loveteam sa afternoon soap na “Ikaw Lang Ang Mamahalin,” remake ito ng GMA-7 soap na pinagbidahan noon nina Sunshine Dizon at Angelika dela Cruz.

Sa isang panayam ay muling pinagdiinan ni Joyce na hindi pa talaga sila officially mag-on ni Kristoffer pero aminado naman ang tween star na super close talaga sila sa isa’t isa ng kapartner.

Paano nga naman daw hindi mangyayari ang pagiging malapit nila sa isa’t isa, bukod pa sa lagi silang magkasama sa mga project, madalas magkasama pa rin sila sa mga lakaran o mga show kung kaya hindi naiwasan na maging close talaga sila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply