Dialogue kay PNoy ibinasura ng transport groups

“INSINCERE, inconsistent at in bad faith!”

Ito ang nilalaman ng inilabas na reaksiyon ng transport group matapos ibasura ang imbitasyon sa kanila sa hinihinging dialogue sa kanila ni Pangulong Benigno Aquino III para resolbahin ang isyu hinggil sa patuloy na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon kay Secretary general George San Mateo ng grupong Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (Piston), balak lamang umano ng gobyerno na hatiin ang kanilang hanay dahil sa banta nilang malawakang kilos protesta.

Nauna nang sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, na nais aniya ng Pangulong Aquino na marinig ang concerns ng nasa transport sector gaya ng  hirit na fare increase at kung paano maaagapan ang epekto ng oil price hike.

Maliban sa Malakanyang, nagpahayag na rin ng kagustuhan ang bagong talagang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman na si Jaime Jacob na pakinggan ang hinaing ng mga transport group leader.

Kabilang sa mga transport groups na humarap sa LTFRB official ay ang FEJODAP, Pasang-Masda, Piston at 1-Utak.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply