DILG rerepasuhin ang protocol sa pagpapakawala ng tubig sa dams

NAKAHANDA ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na repasuhin ang panuntunan sa pagpapakawala ng tubig ng mga dam.

Ito ang sinabi ni Interior Secretary Jesse Robredo kaugnay sa panawagan ng lokal na pamahalaan ng Bulacan na pansamantalang ihinto ang pagpapakawala ng tubig sa Ipo dam na nagpalubog sa tubig sa maraming bahagi ng lalawigan.

Kaugnay nito, sinabi ni Robredo na papunta na sa Bulacan ang mga rescue team dala ang rescue equipment para iligtas ang mga na-trap na residente.

Naniniwala rin si Robredo na dapat na maagang ibigay sa mga lokal na pamahalaan ang kanilang calamity fund para makapaghanda bago pa man tamaan ng kalamidad ang kanilang lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply