Dingdong Dantes excited sa pagpartner muli kay Rhian Ramos sa ‘Sundo’

NAKATSIKAHAN namin si Dingdong Dantes habang off camera sa presentation ng Miss World Philippines 2011 sa PICC. Nasabi niyang nagsisimula na siyang magtaping sa “Sundo.” Excited siya sa istorya dahil naiiba ito dahil may halong fantasy–horror. Excited din siya sa muling pagsasama nila ni Rhian Ramos na nakapartner niya sa “Stairway To Heaven” kung saan siya naging best actor sa Star Awards for TV.

Tapos na kasi ang sigalot nina Marian Rivera at Rhian. Nung magpartner sila ni Rhian sa Stairway, nagkaroon ng konting intrigahan sa dalawang star.

Pero in fairness kay Rhian, never siyang nagsalita kung anumang issue ang namagitan sa kanila ni Marian.

Nabatid ng marami ang pagbabati nang dalawa dahil sa pagkukuwento ni Sen. Bong Revilla nung kaarawan niya na bati na ang dalawa dahil magkasama pareho sila sa “Ang Panday.”

Maaaring sa pakiusap na rin ni Sen. Bong kaya nagkabati na talaga ang dalawa.

Tungkol kay Dingdong, nasabi rin niyang tinatapos na nila ni Lovi Poe ang isang horror movie na hango sa Aswang story. Pang-award ito dahil mas mauuna pang palabas sa internatioanal film festival kaysa sa Pilipinas ang movie. Sa 2011 Metro Manila Film Festival, may entry si Dingdong na movie na kapartner si Kris Aquino.

000

MAY bakas na suerte ang baguhang artista na si Teejay Marquez. Imagine, sinuwerte siya sa pagpapa-VTR. So far, nakailang TV commercials na rin siya.

Nang nag-audition siya sa Tween Hearts para maging cast, nakuha agad siya ng Sunday soap ng GMA-7 na pang-teenager ang main cast.

Produkto ng broken family si TJ. Tanging ang lola niya sa father side ang kumandili sa kanya nang husto. Di birong struggle sa buhay ang pinagdaanan niya bago natamo ang dream niyan maging actor.

Aba, pagkatapos na mabigyan ng markadong role sa Tween Hearts bilang nerd student na laging nakasalamin, aba! may bagong assignment na siya sa afternoon soap, na “Ikaw Lang ang Mamahalin.”

Lalabas siya bilang best friend ni Joshua Dionisio.

Sa Oct. 30, may birthday-cum mini concert si TJ sa SM Valenzuela. Invited ang lahat ng fans na nagmamalasakit sa kanya.

000

Paulo Avelino lumipat sa Dos dahil gustong makapareha sina Kim Chiu, Julia Montes

NAPANOOD namin ang interview ni Toni Gonzaga kay Paulo Avelino bilang bagong Kapamilya actor. Tulad ni Toni, galing muna ang singer/actress/host sa GMA-7 bago lumipat ng ABS-CBN noon.

Sabi ni Paulo, bagong Paulo ang mapapanood sa Kapamilya network. Isinabak agad siya sa “100 Days to Heaven” soap. Bukod pa rito, excited ang aktor na makapartner sa bagong network niya sina Kim Chiu at Julia Montes.

Sa mga lalaking actor ng network, gusto niyang makasama sa trabaho naman ay si Coco Martin. Nagagalingan si Paulo sa pag-arte ng actor na sumikat noon sa mga indie films muna bago nagkapangalan sa telebisyon. Kabilang sa movie na sumikat noon si Coco ay ang “Serbis” na ipinalabas sa iba’t ibang film festival sa abroad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply