Dinukot na Surigao mayor palalayain na

TINIYAK ni Surigao del Sur Governor Johnny Pimentel na kahit anong araw mula ngayon at bago magtapos ang Setyembre ay makalalaya na si Lingig, Surigao del Sur Mayor Henry Dano na mahigit isang buwan ding dinukot ng New People’s Army kasama ang dalawa nitong military escorts.

Inihayag ng gobernador na walang dapat ikabahala ang publiko lalo na ang pamilya ng mga bihag dahil positibo siyang mapapalaya na ang mga ito habang nagpapatuloy ang negosasyon.

Dagdag pa ng gobernador na siya ring chairman ng Local Crisis Management Committee, di pa rin nagbago ang hiling ng mga rebelde na pansamantalang itigil ang military operations sa Agusan del Sur, Surigao del Sur, Davao Oriental, Compostela Valley at Bukidnon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply