Disciplinarian si Gen. Nick Bartolome

LAHAT ng katangian na makikita sa lideratong magpapabago sa Pambansang Kapulisan ay matatagpuan sa bagong-talagang director general.

Yan ang nakita ni Pang. Noynoy Aquino kay Dir. Gen. Nick Bartolome kaya siya ang napiling PNP chief.

Maraming naging puwesto si Gen. Bartolome sa organisasyon at masasabi nating nagawa niya ang kanyang trabaho ‘with flying colors’.

At isa sa hinahangaan natin sa kanya ay ang kanyang pagiging ‘disciplinarian’ sa mga miyembro ng PNP na naliligaw ng landas.

Ngayong siya na ang bosing ng kapulisan, suhestiyon natin, gamitin niya ng taos puso ang kanyang pagiging disciplinarian.

At kung magagamit niya ito nang lubusan, siguradong iiwan niya ang police organization na may ipagmamalaking ‘accomplishment’.

Dahil, sa totoo lang, ang ‘di masawa-sawatang katarantaduhan ng ilang opisyal at miyembro ng kapulisan ang dahilan kaya nalulugmok ang imahe ng PNP.

Ang Chokepoint lang, ‘di na mabilang ang sumbong at reklamo na natanggap sa mga biktima ng mga ogag na pulis.

Katunayan, noong nakaraang araw lang, isang inhinyero ang nagsadya sa atin at inireklamo ang pambubugbog sa kanya.

Ang inhinyero na ‘di muna natin babanggitin ang pangalan ay tahimik na umiiinom sa Hap Chan sa Sto. Tomas, Batangas nang siya’y makursunadahan ng isang Insp. Valencia at kasamang pulis.

Dahil sa gulping inabot, yon…naospital ang mama.

Nais magdemanda si engineer ngunit nagdadalawang isip ito dahil ang superior ni Insp. Valencia na isang mataas na opisyal ng Sto, Tomas police stn. ay tinakot siyang papatayin kung ito’y magsusumbong.

Gen. Bartolome, sir… take note..ang dalawang opisyal na binabanggit ay mga operator din daw ng video karera diyan sa Sto. Tomas. Tskkk…tskkk.

May punto si engineer sa kanyang desisyon na huwag na lang magdemanda dahil baka nga naman kung ano ang mangyari sa kanya.

Diyan kasi sa Batangas,walang kuwenta ang batas. Ang sistema riyan ay baril ang batas.

Hamon natin kay Gen. Bartolome…disiplinahin ang mga abusadong opisyal na yan.  Itapon sila sa Mindanao. Tignan lang natin kung uubra ang tapang nila sa mga Abu Sayyaf.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply