DJ Durano sarap na sarap sa mga bakla hahahaha!

MARAMING rebelasyon ang naganap sa presscon ng pelikulang “Praybeyt Benjamin.” Palakpakan ang mga reporter dahil umamin sina Eddie Garcia, DJ Durano at Carlos Agassi na meron na silang gay experience.

Sey ni Eddie, hindi raw ito kabawasan sa pagkalalaki nila. “In my younger years, I was 15. Pag bata ka kasi dapat lahat ng bagay sa mundo ay kailangan mong subukan,” deklara niya.

“Dati gusto kong subukan ang ginagawa ng camel pero hindi ako umabot dun, no?,” pag-bibiro pa ni Manoy.

Tawanan ang lahat at bumilib si Vice Ganda kay Eddie. Hindi raw ito ipokrito granting na Eddie Garcia na ito.

Kahit si DJ Durano ay umamin na rin na may gay experience. Ang deklara pa niya.. “Kailangan may experience dahil masarap.”

Sagot naman ni Kean Cipriano ay wala siyang experience kaya ang sabi ni Carlos Agassi… “Sasabihin ko, kawawa ka naman bro, ikaw lang ang hindi.”

Bongga! Panalo.

Showing ang pelikulang ‘Praybeyt Benjamin’ sa October 12.

-0o0-

NAKAUSAP namin si Daiana Menezes sa presscon ng Daiana Stalder. Nilinaw niya sa amin na kahit nag-propose na sa kanya ng kasal ang boyfriend niyang si Direk GB Sampedro ay wala pa rin daw siyang balak pakasal dito sa ngayon. Kailangan daw munang pumunta sa Brazil, bayang kanyang sinilangan, si GB at mamanhikan sa kanyang mga magulang bago siya magpakasal dito. Kahit isang Brazilian si Daiana ay may ganun din daw silang culture gaya sa mga Filipino na kailangan munang mamanhikan ang lalaki sa mga magulang ng isang babae bago sila magpakasal.

Five months pa lang daw tumatakbo ang relasyon nila ni GB. At gusto ni Daiana, bago raw siya ikasal dito ay makilala pa muna niya ito nang husto. In other words, gusto muna ni Daiana na magtagal ang relasyon nila ni GB.

Samantala, ipinaliwanag ni Daiana ang dahilan kung bakit nagdesisyon siyang umalis na sa radio show nila ni Shalala. Ang start daw kasi ng programa nila ay from 12:00 m.n. hanggang 4:00 a.m. Konti na lang daw ang naitutulog niya dahil kailangan niya pang pumunta sa Eat Bulaga, kung saan ay regular mainstay siya. Nagtataka lang daw siya kung bakit sinisiraan siya ngayon ni Shalala na kesyo may attitude na siya kaya iniwan niya ang radio program nila. Sana raw ay naiintindihan nito ang sitwasyon niya.

Nilinaw niya ang kabastusan at pang-aaway sa kanya ng mga fans ni Judy Ann Santos mula nang magkasama sila sa ‘Eat Bulaga’ ni Ryan Agoncillo. Bagamat na-link sila at nagkakatabi sa stage pero walang malisya ‘yun. Kahit si Juday ay kampante raw sa kanya at nag-uusap naman sila. Humingi pa nga raw ang young superstar ng pasensya sa attitude ng mga fans niya.

‘Yun na!

-0o0-

INUURONG na ni Jennylyn Mercado ang kasong falsification of documents na isinampa niya sa kanyang dating PA na si Rowena “Mel” Pulmano.

Narito ang official statement ng aktres:

“I decided to file an affidavit of desistance, not because I believe Mel is not guilty, but because I want to move on with my life and not let those negativities in the past affect my life anymore.

“There are a lot of good things that are happening to my career and personal life now, and it is better for me to move forward with a positive outlook and optimism.

“I know that we are in charge of how we react to events in our lives, and now I take control and choose to focus on things that are more important.

“I know that in time, the law of karma will prevail and people will get what they really deserve.”

Samantala, hindi naman pumayag si Jen na magbayad at aregluhin ang P22-bilyon kasong isinampa sa kanya ni Leon Tan kung saan ay nadamay lang daw siya dahil sa isang umano’y forged check amounting to 100 thousand.

Nanindigan si Jen sa presiding judge na hindi siya makikipag-areglo dahil hindi naman daw niya pirma ang nasa check at hindi rin daw niya nakausap kahit kailan ang mag-asawang Tan.

Maliit na halaga lang daw ang pinag-uusapan dito pero mas importante raw ang ipinaglalaban niyang hindi raw siya talaga ang nangutang ng pera. Kaya mas gusto pa raw niyang ituloy na lang ang kaso kaysa magbayad siya ng perang hindi niya umano ginamit.

Ayon naman sa manager ni Jen na si Becky Aguila, tuloy pa rin daw ang P22-bilyon case nila na isinampa ni Leon Tan pero out na raw si Mel dahil nakipag-areglo raw ito at magbabayad na lang sa negosyante.

Ayon kay Tita Becky, dito pa lang daw ay makikita nang may kasalanan si Mel dahil bakit daw ito makikipag-areglo kung wala itong kasalanan?

“Nakipag-areglo at nagbayad si Mel kay Leon Tan. Sana ay bayaran na rin niya lahat ng mga biktima niya na hindi nagdemanda sa kanya,” pahayag ni Tita Becky.

May isinampa ring hiwalay na kaso ang manager laban kay Mel, qualified theft at aniya, tuloy-tuloy pa rin daw ito at wala siyang balak na iurong ito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply