Djokovic kampeon sa US Open

PINAKAIN ng alikabok ni Serbian Novak Djokovic si Spainis Rafael Nadal dahilan upang masungkit ang korona sa U.S. Open final 6-2 6-4 6-7 6-1 sa Flushing Meadows kanina.

Ang world number one ay gumawa ng mabangis na taktika na naging sanhi upang hindi makaporma ang kalabang Espanyol sa labang tumagal ng apat na oras at sampung minuto.

Sa panalo ay nakuha ni Djokovic ang kauna-unahan niyang U.S. Open title matapos ilang beses siyang talunin ni Nadal sa mga nakaraang pagtutuos nila dito.

Matatandaan na walang halos tumalo kay Nadal nang itanghal na undisputed king sa tennis 12 buwan na ang nakararaan.

Natalo na rin naman si Nadal sa finals ng Wimbledon at nahubaran na rin siya ng korona sa number one ranking na dito’y napunta kay Djokovic.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply