Doctorate degree ni Kuya Boy pabolosa ang marka

PROUD and happy si Boy Abunda sa nakuha niyang grades for his three subjects on his doctorate degree in Social Development nu’ng makausap namin siya after ng The Buzz last Sunday. Bongga kasi dahil uno ang marka niya for his first three subjects sa 60 units niya for two years, namely, Development Planning, Transformative Strategies and Social Development.

Next week simula na ng second semester ng kanyang course. Habang nagkukwento si Kuya Boy about his subjects sa kanyang PhD course, ‘di na talaga niya natiis ang manahimik sa mga sinabi ng dati niyang talent sa Backroom, Inc. na si Erik Santos.

Inamin ni Kuya Boy na masama ang loob niya kay Erik pero hindi dahil umalis ito sa Backroom. Unang-una, si Erik ang tinanggihan ng Backroom na i-manage pa ang career nito.

“Si Erik ay ni-release namin dahil sa aming palagay ay kaya niya nang mag-produce ng sarili niyang concert, kaya niya nang pangalagaan ang kanyang sarili kaya okey na sa amin. Pero more than that, may sama ako ng loob sa kanya. At ito’y sinabi ko sa kanya.

“Sabi ko, ‘Erik, oo, may sama ako ng loob. Galit ako sa ‘yo.’ “‘Sanay ako’ng tumawag sa telepono at nakikipagharap ako. Pero huwag na nating ide-talye,’ at that point I was angry,” umpisa  ni Kuya Boy.

Okey naman daw ang naging pag-uusap nila pero ang request lang ni Kuya Boy kay Erik after nilang mag-usap ay tumahimik na lang siya.

“Now, right after ng conversation namin sa telepono, akala ko okey na. He spoke to some friends namin, na common friends… meron pa rin siyang sinasabi. Ni-record pa nga ng isa naming kaibigan ‘yung pag-uusap nila.

“Sumama ang loob ko sa kanya dahil lumalabas sa write-ups na masama ang loob ko dahil umalis siya sa Backroom. Nag-usap kami, kasi marami ako’ng naririnig. Ano ang mga sinasabi ni Erik Santos?

“Sinasabi niya,’Ano ba itong buhay na ito? Parang ako na lang mag-isa. Ako ang nagpaplano sa karera ko. Wala nang tumutulong sa akin. Pinapabayaan ako. Ang hirap, hindi ako makapag-set ng meeting. Mag-isa lang ako. Wala nang ginagawa ang Backroom, pinapabayaan ako.’ In short, nagrereklamo siya. Matutuwa ba ako du’n?

“Yun ang kanyang complaint… He will not deny that, it’s recorded. “‘Gusto ko’ng makipag-meeting kay Tito Boy, pero wala siyang oras.’ Kasinungalingan ‘yan,” diin ni Kuya Boy.

Nagtataka si Kuya Boy kung may mga ganyang eksena si Erik to the point na sinisiraan niya ang kanyang dating manager.

“Walang pagkakataon na humingi si Erik ng meeting sa akin na hindi ako nakipag-meeting sa kanya, lalo na pag may kinailangan siya na may kinalaman sa kanyang career.

“Yung kanyang sinasabi na hindi kami matuluy-tuloy sa meeting, personal yun. “Alam ni Erik ‘yan. Tungkol ‘yan sa isang tao na gusto niyang pag-usapan namin at walang kinalaman yun sa kanyang karera. Kung sino, amin na lang ‘yun.

“Pero hindi ko kailanman ipinagkait ang aking oras kahit gaano ka-busy ako sa mga artista ko. And you can come to my dressing room if you wanted to discuss things with me.

“Sasabihin niya,’Itong concert na ito, ako ang nag-isip, walang tumulong,’ “Mali ‘yun. You know, ‘yung title ng concert, akin ‘yun, ako ang nagbigay. He produced the concert, natural may kakayahan na siya, may kapasidad na siya. At karera naman niya yun, e.”

“Si Boy So, nagbigay sa kanya ng P200,000. May isa kaming kaibigan nagbigay sa kanya ng sponsorship na P50,000 because of me. Ang hirap magsalita tungkol sa pera. Ano’ng sasabihin mo na wala kaming ginagawa? I gave him a press conference for that concert. Ang dali mo namang makalimot, ‘di ba?

“Kaya ako galit. ‘Yun ang paliwanag kung bakit ako galit. Na parang bakit? Bakit mo ako binibilangan? Sa pitong taon, nakalimutan ko lahat? At may mga katanungan ako. Ano ba ang nagawa mo sa buhay ko? Yumaman ba ako? Nagkakarera ba ako? Naging pamoso ba ako dahil sa minanage ko si Erik Santos?

“Tanungin nga natin, ano ba ang nagawa ko sa ‘yo? Don’t I deserve a little respect? ‘Yun ang sagot sa kanya doon, ‘di ba?

“Ang ikinakagalit ko sa kanya ngayon, patuloy pa rin niyang sinasabi ‘Wala naman akong ginawa, wala naman akong sinasabi.’

Ano ba? Tahimik na lang tayo. Ano’ng walang sinasabi? Ano ba? Alam ko lahat ng sinasabi mo,” tuluy-tuloy na paliwanag ni Kuya Boy.

To sum it up, tatlong bagay na ginawa si Erik na ikinagalit ni Kuya Boy sa kanya. Una, ang mga sinabi niya against Backroom.

Pangalawa, ganyan din ang ginawa niya kay Kuya Boy. At pangatlo, ang pagsisinungaling ni Erik.

***

HINDI papayag si Cristine Reyes na maging kabit sabi niya sa presscon ng movie niya with Anne Curtis and Derek Ramsay, ang “No Other Woman” mula sa Star Cinema at Viva Films showing na ngayon Ginagampanan ni Cristine ang role na asawa ni Derek.

“Pag nalaman ko yung guy na may iba siya, siguro papapiliin ko siya kung sino sa aming dalawa. Kung pipiliin niya yung isa, okay lang. It means hindi siya para sa akin. Kung ako yung pipiliin niya, kailangan na niyang hiwalayan yung isa,” lahad  ni Cristine.

Birong seryoso ni Cristine, susubukin daw niyang lasunin ‘yung babae kung kaya niya. Pero ‘di raw siya ‘yung tipo na maghahabol sa isang lalaki. Napatunayan naman ‘yan ni Cristine ng ilang beses sa kanyang pesonal life. And now, waging-wagi ang kanyang lovelife with her boyfriend and co-star sa “Reputasyon” na si Rayver Cruz.

Speaking of Reputasyon, patindi nang patindi ang mga eksena sa pang-hapong teleserye ni Cristine with Rayver, Jason Abalos at mga bigating artista gaya nina Aiko Melendez, Jaclyn Jose, Lito Pimentel at si Direk Laurice Guillen. Sinimulan ulit kunin ni Jason ang pagtingin at pagmamahal ni Cristine sa episode na mapapanood this week sa soap sa bago nitong oras at 5:30 pm.

Mas naging kapana-panabik talaga ang mga eksena lalo na ang tumitinding paghaharap nina Cristine at Aiko sa paglipat ng Reputasyon sa mas late afternoon na timeslot nito. Grabe ang mga emosyon na ipinapakita ni Aiko sa teleserye, huh? No wonder, uulan ng napakarami pa’ng challenging roles for Aiko.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply