DOE pabibilisin ang alternative fuel sources program

TINIYAK ng Department of Energy (DOE) na pabibilisin ang alternative fuel sources program sa bansa.

Ayon kay Energy Secretary Jose Rene Almendras, ang isinusulong na programa ay matapos ang assessment ng isang electric vehicle service provider na papalo sa US$147 ang kada bariles ng langis sa susunod na limang taon.

Ayon kay Almendras, sa pamamagitan ng DOE-designed fueling sustainable transport program target nilang mai-convert ang diesel at gasoline engines ng public vehicles tulad ng jeep at bus sa compressed natural gas, liquefied natural gas at liquefied petroleum gas o bilang electric vehicles.

Hinihimok ng ahensya ang pribadong sektor na mag venture sa proposed engine shifts ng mga sasakyan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply