DOH nagbigay ng P5M sa blood center ng PNRC

NAG-DONNATE ang Department of Health (DOH) ng P5 milyon sa Palawan Chapter ng Philippine National Red Cross (PNRC) upang gawing ganap na regional blood center ang kasalukuyang blood bank facility nito.

Ayon sa pahayag ni Cathy Larracas, chief service representative ng PNRC-Palawan, may dalawang aspeto ang P5 milyon donasyon, ang pagdaragdag sa manpower at ang equipment purchase, na pangangailangan upang maitaas ang lebel nito bilang blood center.

Ang P3 milyon bahagi ay nakatalaga sa pamimili ng equipment at iba pang instrument na kailangan ng isang non-hospital-based blood center. Ilan sa mga bibilhing gamit ay yung magpo-proseso ng platelet concentrates at ng frozen plasma, mga blood fluids na ibinibigay sa mga may malubhang sakit ng dengue.

Sa kasalukuyan, wala pang blood bank facility sa Palawan. Ang may kakayahang mag-proseso ng platelet concentrates at frozen plasma ay nanggagaling pa sa Kamaynilaan o sa Cebu City.

Ang natitira namang P2 milyon sa donasyon ay gagamitin sa pagpaparami ng staff o tauhan ng PNRC na tatao sa blood center.

Kabilang dito ang pangangailangan sa serbisyo ng duly licensed physician na certified sa larangan ng clinical pathology o di kaya ay sa blood banking. Kailangan din ng karagdagang medical technologists at nurses.

Ayon kay Larracas, inaasahan na matatapos ang proyektong blood center ng PNRC sa loob na taong ito.

Samantala, sinabi ni Larracas na may sapat na suplay ng dugo ang Palawan at walang kakulangan sa suplay dahil sa patuloy na pagsasagawa ng mga blood donation at blood letting ng PNRC, ng mga LGU, at ng iba pang mga NGOs doon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply