DOH pinag-iingat ang mga binaha

PINAYUHAN ngayon ng Department of Health (DOH) ang publiko lalo na ang mga residenteng nasa mga evacuation center na magpakulo ng inuming tubig upang makaiwas sa sakit.

Ang paalala ay kasunod na rin ng pananalasa ng bagyong “Pedring” dahil maraming lugar sa bansa kabilang na ang Metro Manila ang lumubog sa baha.

Namahagi ang DOH ng mga chlorine tablet sa mga evacuation centers at mga binahang lugar para mapanatiling malinis ang inuming tubig sa harap na rin ng epekto ng bagyong Pedring sa malaking bahagi ng Luzon.

Ayon kay Health Assistant Secretary Eric Tayag, pangunahing kailangan ngayon ang mga ganitong gamot para makaiwas sa kontaminasyon ng mga deep well na posibleng pinasok ng maruming tubig.

Ang payo ni Tayag,  kung wala umanong chlorine tablet ay maaari namang pakuluan ang tubig sa loob ng 30 minuto para ligtas itong mainom.

Muli ring nagpaalala si Tayag ukol sa posibilidad ng pagdami ng kaso ng leptospirosis at iba’t-ibang uri ng impeksyon dahil sa paglusong sa baha. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply