DOJ may ultimatum sa extra-judicial killings

BINIGYAN na ng ultimatum ni Pangulong Benigno Aquino III ang Department of Justice (DoJ) para tuldukan ang imbestigasyon ng mga kaso ng extra-judicial killings sa bansa.

Inamin ng Pangulo na dismayado siya sa napakahabang panahon na itinagal ng proseso bago magkaroon ng conviction sa korte ang naturang mga kaso sa kanyang pulong kay Justice Sec. Leila de Lima.

Sinasabing, batay sa record ng DoJ, mayroong 10 kaso ng extra-judicial killings kung saan may naarestong suspek pero walang nauwi sa conviction.

Lumalabas din na sa preliminary investigation pa lamang sa isang kaso ay umaabot na ito ng 10 buwan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply