Donaire vs JuanMa sa 2012

NAKAHANDA si Puerto Rican boxer Juan Manuel Lopez na harapin si world bantamweight champion Nonito Donaire sa 2012.

Matapos gibain si dating champion Fernando Montiel  sa two rounds noong Pebrero ay marami nang naghahabol kay Donaire lalo na sa mas mataas na dibisyon.

Ayon sa Puerto Rican southpaw, hindi siya tatanggi kung itatapat siya kay Donaire na isang magaling na boksingero.

“Donaire is a very interesting fighter that any boxer would like to fight,” pahayag ni Lopez. “I am willing to fight him if that’s what my promoter wants. [Donaire] is close to my height and that would be an interesting fight. But my focus right now is on regaining my title and to avenge my loss to Salido.”

Nangako si Donaire na pagkatapos ng laban niya sa October 22 kay super flyweight champion Omar Narvaez sa New York ay hindi na siya mananatili sa bantamweight at aakyat na siya sa mas mataas na timbang.

Si Lopez ay haharap naman kay Mike Oliver sa October 1 para sa layuning magkaroon ng rematch kay WBO champion Orlando Salido na tumalo sa kanya via 8th round TKO.

Ilan sa mga posibleng makaharap ng Pinoy ring icon ay sina Jorge Arce, Wilfredo Vazquez at ang mananalo sa October 1st Toshiaki Nishioka-Rafael Marquez bout.

Pinag-aaralan din ni Lopez ang pagharap kina dating champion Yuriorkis Gamboa, WBC boss Jhonny Gonzalez, at WBA champion Chris John.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply