DOST pinag-iingat ang mga dinaanan ni ‘Mina’

BINALAAN ngayon ng Department of Science and Technology (DOST) ang mga residente mula sa mga lugar na sinalanta ng ulanng habagat nang manalasa ang bagyong Mina.

Sinabi ni Usec. Graciano Yumul  na ang mga lugar din na ito kasama ang NCR, Ilocos Norte at Sur, La Union, Pangasinan at Central Luzon ang mga uulanin simula bukas, Setyembre 14, kung hindi magbabago ang direksyon ng Tropical Depression Onyok.

Ipinaliwanag ni Yumul na bagama’t wala pang indikasyon na tatama sa lupa ang bagyo, hihigupin naman nito ang habagat tulad ng ginawa ng bagyong Mina.

Batay sa severe weather bulletin ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang sentro ng tropical depression Onyok sa 1, 170 kilometro sa Silangan-Hilagang Silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na umaabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at inaasahang kikilos ito pa-kanluran sa bilis na pitong kilometro kada oras.

Magbabagsak ito ng tubig na umaabot sa lima hanggang 15 milimeters per hour na tubig o katumbas ng 25 porsyento ng tubig na dala ng bagyong Ondoy sa mga lugar na nasa 350 kilometer diameter nito. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply