DOT secretary binalaan sa Hacienda Looc

BINALAAN ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang uupong kalihim ng Department of Tourism (DOT) na huwag panghimasukan ang isyu ng Hacienda Looc.

Partikular na binalaan ng KMP at Ugnayan ng Mamamayan Laban sa Pangwawasak ng Kalupaan ng Hacienda Looc (Umalpas-Ka) si incoming DOT Secretary Ramon Reyes Jimenez.

Tinukoy ng grupo ang 8,650-ektaryang Hacienda Looc sa Nasugbu, Batangas na target na gawing world-class tourism development project.

Ayon kay KMP Secretary-General Danilo Ramos, lumalabas na hindi isinusulong ng bagong talagang kalihim na maging tourist destination ang Pilipinas kundi tila
nais nitong ibenta ang buong bansa.

“President Aquino’s appointment of Jimenez is a disappointment to the Filipino peasantry. We are warning Jimenez to keep his hands off Hacienda Looc,” ani Mandy Lemita, spokesperson ng Umalpas-Ka.

Ibinenta ng gobyerno ang buong hasyenda kasama ang 5,218 ektarya na ibinigay sa mga magsasaka sa ilalim ng agrarian reform program ng pamahalaan.

“Hacienda Looc is not for sale. Our lands and livelihood are not Chickenjoy. They call it development. We call it disaster,” pagtatapos ni Lemita.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply